Stay Still
Cool Story Bro. Tell it again.

Super Viking @ Sky Ranch, Tagaytay last May 24. As usual cute nya pa din haha :)

Notes
Tagaytaaaaaaaaaaaay!

May dalawa kase akong pagpipilian. Una, bumyahe ng alas dos ng madaling araw para mga alas kwatro andun na ko sa kanila at sakto kakagising nya lang kaya makakapaghanda na kame. Pangalawa, pumunta ako sa kanila ng isang araw bago ang nakatakdang araw, makikitulog, para di hassle. Ayaw nya nung una kaya ayun, nakiovernight ako nung 23. 2 hours lang tulog namen kase hinintay pa namen mag-12 para maaga makapagenroll. Saglit lang tas boom enrolled na at wala ng poproblemahin pagkaalis namin. Nagsaing lang kame para may baon na lunch bukod sa mga snacks. Mga alas sais nakaalis na kame at yung nagsimulang drawing nung April, nagkakatotoo na ngayong May 24, 14th monthsary.

Wala talaga kaming alam sa byahe nung una pero nung sinabi ni Jai na yung sakayan daw eh sa “mga bus paCavite” naalala ko nung sinundan ko siya nung pumunta siya ng Cavite at iniwan ako. Wala akong kaalam alam nun pero ayun nahanap ko siya. Dahil dun nalaman ko yung Coastal Mall. Saglit lang nagsakay tas ayun paalis na kame ng Maynila.

Yung totoo, bus ride talaga gusto namen haha. Gustong gusto nya yung view, dun nga siya sa may bintana eh. Nung nasa Cavite na kame, biglang nasiraan yung bus. Hindi ko siya masisisi kase naputol tulog nya. Pero sabe ko okay lang yan adventure haha. Nung nakasakay na kame dun na namin pinapak yung isang bote ng stick o haha haba ng byahe ehh. Buti na lang hindi traffic, 3 hours lang at nasa Tagaytay na kame. Sumakay kami ng jeep sa may Olivares jeep terminal at ayun on our way to Picnic Grove na!

Dinagsa kami ng mga tao, karamihan lalake haha kala ko naman kung ano yun pala nagyayaya na try namin yung horseback riding. Okay na ko makakita ng kabayo be practical. Narating namin yung pwesto ng mga picnic hut at huehue yung Taal lake view ohh. Ang lawak at ang payapa, promise! Nilapitan kami ng isang babae na nagpaparent ng picnic mat. Nakalimutan namin magdala kaya ayun nagrent kami at hanggang alas dose lang yung rent namin dun. Pumwesto kame dun sa may shade ng puno tas nahiga agad ako. Ang daming nagtitinda eh, ang mamahal pa. Kaunti pa lang yung tao nung dumating kame kaya ayun nagenjoy lang muna kame sa ambiance at kumain ng snacks. Mga 11:40 kame naglunch tapos nahiga lang uli. Ayaw nya mag-kadol kadol hahahaha tss.

May mga nagttinda ng bubbles tas gusto nya daw kaya sabe ko bibilhan ko siya pero sabe nya uli, be practical. In the end, bumili siya nung bubbles. Haha. Ayaw niya nung de baril, gusto niya nung hinihipan para cute. Naglaro din kame gamit yun. Tatanungin niya halimbawa kung ilang beses ako umutot sa isang araw tas hihipan nya tas kung ilang bubbles yung magagawa, yun yung sagot. Puro ‘ilan’ na tanong lang haha. Tapos occasionally manginginig kame bigla tas ibig sabihin nun nagwore-off na yung drugs namen hahahaha (tic tac na candy langgg) Nung mga time pala na yan nagtetext na sila Jai na susunod sila. So imbes na 12 aalis na kame kase yun lang bayad namin sa mat, hanggang mga 3 ginamit namin yun.

Biglaan lang pala natripan nila Jai na pumunta kaya ayun sumama sila sa pagpunta namin ng Eco Adventure Trail slash Hanging Bridge. Dun kame nagpichuran ng madami. View deck hall yung pinakadulo tas ayun nagpahinga kame dun kase nakakapagod eh ang haba ng nilakad namin. Mga 4 ata umalis na kame papuntang Sky Ranch tas nagpaiwan sila Jai sa Picnic Grove.

Dalawang jeep sinakyan namin papuntang Sky Ranch. Una naming nakita yung target namin sakyan bago yung mas malaki na Sky Eye. Yep, Super Viking! Haha ewan ko ba natrauma na nga ko sa Viking ng Star City eh kaso gusto nya kaya ayun itatry namin pero this time pangatlo sa dulo kame nakaupo. Ibig sabihin mas mataas. Nung nagsimula na, nakita ko siya napapikit agad. Sabe ko pag nahilo na siya kapit lang siya sa braso ko. Grabe po nung tumaas na yung barko! Nung pinapanood namin yung mga unang sumakay parang wala lang pero pag ikaw na andun grabe lang! Dahil malapit kame sa dulo, nakakalula kapag nasa pinakataas na kame. Pag tumingin ako sa baba, pakiramdam ko mahuhulog ako. Pag tumingin ako sa gilid, parang nakaportrait na yung landscape. Kaya di na ko nagtaka na nakapikit lang siya eh haha. Vinideuhan ko mga mukha namen as usual at nakakagulat na 8 minutes yung buong ride. Siguro nung mga bandang limang minuto na kame pinaglalaruan ng barko dun na ko nagsimula mahilo kaya di ko na siya tinatawanan. Haha. Pangalawang Viking na namen nice! Nagpahinga kame sa may mga bench na nakatapat sa view at nagpicture. Nilibot namin yung Sky Ranch tapos bumili kame ng potato fries kase nanginginig tuhod nya as in. Ang dami niya ding nakitang ipad kaya kailangan ko na siya itakas don haha.

5:30 bumyahe na kame papuntang Mcdo sa Olivares kung san naghihintay sila Jai at Ate Draph. Nagwifi sila saglit tas naghanap na kame ng bulalohan. Ang ending, dun sa una na naming naplano, Mahogany’s Market. Nagjeep kame papunta dun TAPOS nadaanan namen yung Sky Ranch! Yun bang pwede na pala kame magjeep mula dun! Sayang pero ayos langgg. Madilim na pagdating namin dun tas nagorder na tas kumain tas ahhhhhhhh ang sarap po ng bulalo! Konti lang kinain niya kase may ginawa sa kanya yung Super Viking na dadalhin niya buong byahe haha pano pa pag sa pinakadulo kami umupo no? Sobrang nabusog ako at gusto ko na lang matulog nun eh haha (putek gusto ko tuloy kumain uli ng ganon ngayon)

Naghintay kami ng bus sa labas ng Market tas nakasakay kame sa mejo puno na kaya nagtabi tabi kami sa may likod ng bus kahit tatlo lang yung upuan. Bale naghati sa gitnang upuan si Jai at si Chie. Pero nagpalit din kame para makaupo siya ng maayos. Inakbayan ko siya para di siya malamigan masyado tas nakatulog siya J

Nauna bumaba sila Jai at Ate Draph samen. Nakaupo na kame nun sa mas maluwag na upuan kase konti na lang yung tao. Bumaba kame sa Pasay tas nagjeep paDOST tas nag-tricycle paBicutan tas nagjeep uli pauwi. Mga 10 na nun at pagod na talaga kame pero pinakita muna namin kela tita mga picture namen at nagkwento muna kame bago talagang nakatulog na. Hindi man nameet ng reality lahat ng expectations namen, tulad ng akala namin na malamig talaga sa Tagaytay, masaya pa din. Yung saya na hindi ko talaga alam pano icocompose tong kwento na to kase ang perfect. Pero nagawa ko pa din thankfully haha. Unang beses ko pumunta ng tagaytay eh nung kinder pa ko kasama buong pamilya ko. Ganun din siya. At after many years nakapunta uli kame, magkasama, yung thought pa lang pinapangiti na ko eh. Naniniwala ako na madami pang adventure naghihintay samen. Tiwala lang haha. Salamat bby napasaya mo ko sana napasaya din kita! Happy 14th month anniversary! I love you!

Notes
Notes
Notes
Baka kaya ka natuto sumayaw para sakin - Chie

Haha. Tinanong ko kasi siya ng “Turn ons?” tas unang una niya sinabi magaling sumayaw. Tinanong ko pano kung hindi ako marunong sumayaw. Basta ayun. Buti na lang marunong ako. Haha.

Notes
SI DEVERA ANG TUNAY NA DOUGIE-RISTA
Sabit sabay sibat. Ang pag-uwi ko galing sa paaralan ay kasinghirap ng sampung beses na mabilis na pagbanggit sa “sabit sabay sibat.” Sa limang araw kong pasok sa isang lingo, isang beses lang ako nakakaupo sa jeep. Minsan ay hindi na. karamihan ay sabit na dahil nahuhuli sa pagsakay at minsan ay may matatanda o babae na naghahanap ng upuan kaya kahit gusto ko ang pagkakaupo at walang nagkukusa, wala akong magagawa kundi tumayo at magprisinta ng upuan dahil hahamunin lang ako ng konsensya ko kapag nanatili pa ako doon. Sabit ang ending.
 Isang gabi ng uwian, nakasakay na ko ng maaga sa jeep. ‘Yung isa naming guro, si Mam Recena, nawalan ng upuan. Tatayo na sana ako pero naunahan ako ni Darwin. Lagi siyang nagpapapogi kay Mam Recena at gising na gising sa klase niya pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya nito napapansin.
 Paharurot na ang jeep nang biglang isang babae na nakauniporme ang mabilis na nakatalon at sumabit sa jeep. Walang nakakita sa kanya dahil nagsiyukuan na para matulog ang ibang pasahero o abala na ang iba sa pag-PDA. Nagkusa na ako at sumabit. Hinampas ko si Darwin sa likod niya at nagsalita nang walang boses, “Bakit mo hinayaang sumabit si Thessa?” Wala siyang reaksyon. Kinausap ko si Thessa. Inisnab niya ako nung inalok ko ang upuan. Nagtimpi ako at pinilit uli siya. Sinigawan niya ako at nainis na talaga ako, pero hinabol niya ang mga katagang malungkot daw siya kaya hayaan lang namin siya.
Nakita kong hinangin ang luha niya dahil na rin sa lakas ng hangin na sinasalubong ng patok na jeep. Naawa ako at walang magagawa kundi hayaan na lang pero kapag may nangyari sa kanyang masama ay makikipagbunong-braso nanaman ako tiyak sa konsensya ko paguwi. Ngayon lang ako nag-alala ng ganito. Wala siyang pakialam tuwing hinahangin ang palda niya at hindi ko masabi sa kanya dahil nakakahiya nga naman at baka kung ano pa ang kanyang isipin.  Siniguro ko na lang na hindi siya mahuhulog. Inilipat ko ang kamay ko sa gilid niya na itsurang naka-akbay ako sa kanya. Nasa gitna namin ni Darwin si Thessa. Mangha naman ako sa tatag ng mga braso niya. Wala siguro ‘tong kunsensya.
 Isang araw nagkaroon ng trip ang mga lalaki sa section namin. Uwian na at wala mang magsabi, halatang wala pa sa amin ang may balak umuwi kahit maitim na ang langit. Pabor naman sa akin iyon para hindi na ako sumabit mamaya. Nagkaroon kami ng Dougie battle sa may stage ng court at ang audience namin ay ang mga kaklase naming babae. Nasa isang tabi lang si Thessa.

Nagkaroon ng partnering sa kalagitnaan ng battle na katuwaan lang at naiwan sa akin si Miss Dedma. Kaso hindi dougie ang pinatugtog ni Darwin kundi love song. Nakita ko na lang ‘yung iba na sumakay sa trip at astang Prom Night ang pagsayaw. Tinitignan lang ako ni Thessa.. Hindi niya tinanggap ang alok ko na mag-slow dance. Ayokong isiping napahiya ako. Sa saliw ng romantikong kanta, sinayawan ko siya ng Dougie. Maya’t maya ang pagtawanan ng mga kaklase namin at nakisama naman sa trip ko ang iba pang lalaki. Sumigla yung music. Masaya lahat pwera kay Thessa na nakapamaywang pa na nakatingin sa akin ng seryoso.
 Sa mga sumunod na araw, nakagawian na niyang sumabit. Minsan kapag nakasabit kami hanggang sa kanila, yayayain niya akong sumibat, ‘yung hindi na magbabayad. Tuwing nahuhuli kami, dinadahilan niya na hindi naman kami nakaupo. Solb ang problema. Ang labo niya lang dahil siya ‘tong ayaw umupo.

Napapadaan ang jeep namin sa isang mall at minsan ay sumibat kami para gumala doon. Pakiramdam ko close na kami pero ni minsan hindi pa siya nag-oopen ng mga problema niya at kung bakit hindi siya masaya. Close na hindi open. Napagod siya sa paglalakad at naupo kami sa may bandang may view ng lungsod. Kakaunti na lang din ang tao dahil malapit na magsara ang mall. Nagpasya na ako.
 “Ahm, hindi kita gusto kasi maganda ka. Maganda ka kasi gusto kita.” Deretso at walang paliguy-ligoy. Inirapan niya lang ako. Nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko tulad ng pagpapakatotoo ko na mas gusto ko ang Dougie kaysa slow dance. Sa gabi-gabi naming pagsabit sa jeep at pag-akbay ko sa kanya, puro irap, dedma, isnab, at simangot ang natatanggap ko sa kanya. Hindi siya nagpapasalamat pero iyon na siya eh, ano pa nga bang magagawa ko? May kung anong parte sa akin na nagsasabing hindi ko kayang wala siya sa tabi ko. Pano kung sa ibang jeep siya sasabit? May poprotekta ba sa kanya? Minsan sinubukan ko sumakay sa bus at nakaupo naman ako ng maayos ngunit hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Sa pagsungit-sungit niya, doon na ako nainlove. Makita ko lang ang mailap niyang ngiti, tatalon ako sa kinauupuan ko. Nung tapos na ako magsalita, nagsorry siya at nagsabing, “Ganto lang talaga ako sa taong gusto ko”. Nagulat ako. Natuwa. Masaya na sana kaso… “kaso may boyfriend ka na.”

- uminom ng gatas

- uminom ng vitamins

- matulog ng maaga

- kailangan ko tumangkad

Sa wakas napanood ko din yung Warm Bodies. Kasi ang tagal ko na sinusubukang idownload yun eh. Ayoko naman bumili kasi pirated malabo. Pero meron pala sila. Haha. Hindi pa daw niya napapanood. Dati ko pa gusto mapanood eh kasi nung summer binasa ko yung libro at ang astig lang. Kahit medyo may pagkakaiba yung libro sa movie, halimbawa hndi sinabi sa movie na may asawa at anak si R o kaya yung kung pano pumasok si R sa wall ng mga tao, astig pa din. Astig.

Notes

Kahapon. Kasi crossing pa lang naman daw siya sa Pasig kaya sabi ko magrerent muna ko sa netshop. Di na kasi gumagana yung opera mini eh! Ayan nagblog lang ng video na All star by Smash mouth. Trip lang yan eh haha ginaya ko lang yung post nya pero yung kanta naman nya eh yung Blood by Middle east. Tapos nabasa ko yung sa panaginip nya. Yung may iba daw ako tapos may nameet siya blabla. Sabi ko lang grabe tapos tapos na. Haha wala ng negative thoughts panaginip lang naman yan eh.

Late na kami ng half hour pero wala pang prof haha. Tas pinapalipat nya ko kela Arlo eh nasa row na nga ko nila Arlo at lagi naman akong sa pinakalikod umuupo kaya ayun bigla ako tumahimik. Umattend yung prof na sabi nila kamuka ni Tito bagets pero sabi niya hindi kaya submissive lang haha. Nagpaalam siya sakin na kakain lang sila. Naalala ko dati sabi ko sakanya “Break na” tas sabi niya “Okay sige”. Eh ang sinabi ko lang lunch na eh lunch break na haha abnormal talaga yon. Haha jk.

Nakatokong ako eh yoko pero wala na kong pantalon. Pero bumagay naman sa 3/4s na bumagay sa ‘hindi-katabaang’ katawan ko. Wala ng prof sa ethics kaya uwian na daw. Umuwi na sila Marco at Khent. Si Arlo nagpaalam sa Kups tas umuwi na din. Di natuloy yung surprise visit namin para kay Mang Juan, kapatid ni Arlo na kapapanganak pa lang. Hee.

Pagbalik ko sa room nagbabasa siya ng libro ni Eros. Nung first year ko pa pinahiram sa kanya yon haha. Napipilitan lang siya magbasa nun kasi pinipilit ko siya. Dejok. Kasi yun yung unang libro na binili ko kasama siya. Nakaupo ako sa armchair tas medyo akbay ko siya. Gulo ng style nya ng pagbabasa. Mas alien pa sakin lol.

Bumili ako ng pinya sa labas. Wala kasi akong macomment nung nakwento nya na kinausap nya yung JC sa 1-1N tas sabi nya “uy jc alam mo bang 3 months na tayo”. Tawa siya ng tawa habang ako iniisip ko pa yung dapat ko icomment. Haha. Tas vinideuhan nya ko habang kumakain ng pinya. Fail lang kasi may nakain akong sili haha. Ingay ko na.

Nagpaalam sa Kups at umuwi na. Ang saya lang nung nagyaya siya na tumakbo kami. KASI HINDI SIYA TUMATAKBO. Mabilis siya hingalin at kelangan niya ipacheck up yun. Tas ako na nagpatigil samin kasi baka magcollapse siya kaso sabi niya ayos pa kaya tumakbo uli kami hanggang cmart na. Tch tch haha ambilis ng tibok ng puso niya pero sabi niya hindi siya napagod. Pero masaya pa din siya na nakatakbo siya. Ako din.

Istoryahe kami sa jeep. Pero mas madaming oras na nakatitig lang ako sa kanya. Haha. Sinamahan ko na siya hanggang simbahan kasi umuulan tska di naman magkalayo masyado yung simbahan at rotonda. Ayaw niya pa umuwi kaya sabi ko hanap kami upuan kaso binawi ko din kaya dun na lang kami sa sakayan nakatayo at naguusap. Random pero may mga natutunan. Masaya :)) Kaso magaalas nuebe na at nakakalungkot pero kelangan na talaga umuwi. Di bale balang araw isa na lang kami ng bahay. Tiwala lang.

Notes